Advice Wall

You give concerns, we give an advice!

Concern:

My husband and I aren’t going steady these past few days. Masyado siyang busy sa trabaho and even our anniversary ay hindi niya naalala. I’ve been wanting to talk him over but I’m hesitant to do it. I don’t really know what to do.

Advice:

I think it’s best that you should first talk to him about how you really feel because the more you take everything in, the more it gets hard for you both. And individually and as a couple, you two should undergo counseling to fix your marriage. Remember, communicating to each other will cause no harm.

Concern:

Madalas nagtatago ang anak ko sa kwarto. Tuwing umuuwi siya mula sa paaralan ay lagi siyang dumidiretso sa kwarto niya. Bagamat lumalapit siya sa akin tuwing may kailangan siya, hindi niya naman sinasabi sa akin kung anong problem aniya. Madalas ay nasasangkot siya sa gulo dito sa mga tao sa komunidad. Hindi ko ba alam kung bakit ngayon ay nagkakaganito siya sapagkat dati naman ay napakatino niyang bata. Isa siya sa mga honor’s student. Mula nang namatay ang kaniyang ama, tila nagbago ang lahat. Ano bang maari kong gawin?

Advice:

Mas makabubuti po na kayo po ang kusang kumausap sa anak niyo. Sa nakikita ko po, pakiramdam ko’y nagsimula ang lahat sa pagkawala ng knaiyang ama. Mas maganda pong ipaintindi niyo muna sa kaniya ang mga pangyayari at mas gabayan pa siya sa kaniyang pag-aaral at gawain sa buhay. Mas makabubuti na magsagawa po kayo ng counsel bilang mag-ina upang magkaroon ng pagkakaintindihan sa pagitan ninyo. Siguruhin niyo rin po sana na ang knaiyang mga kaibigan ay mga mabubuti at hindi nagiging masamang impluwensiya sa kaniya.

Concern:

May kaibigan po ako na masyadong malihim. Madalas po siyang umaabsent nang hindi namin nalalaman ang dahilan. Her mom even asked us if where she is ngunit hindi po namin alam ang isasagot dahil hindi namin alam kung saan siya. Minsan nga po kung pumapasok siya ay umaabsent siya pagsapit ng lunch. Madalas po siyang praning. Hindi po namin alam anong gagawin sa kaniya. Hangga’t sa isang araw, nagulat kami nang inalukan niya kami droga. Tinanggihan po namin ang alok niya. Nagalit po siya at mula noon ay hindi na nagpakita sa amin. Paano po namin siya matutulungan bilang kaibigan?

Advice:

Isang paraan na nakikita kong pwede niyong itulong sa inyong kaibigan ay ang ipaalam niyo sa kaniyang mga magulang ang kaniyang kondisyon nang sa ganoon ay pwede kayong magtulungan kung paano niyo siya maisasalba at ibalik sa katinuan. At para maisalba siya, kailangan niyang pumasok sa rehabilitasyon upang makapagbagong buhay. Ang pagiging sangkot sa droga ay isang napakaseryosng isyu at marapat na agapan ang ganitong sitwasyon. Sa ganoong paraan, matutulungan niyo ang inyong kaibigan.